PAOCC – kumpiyansang malakas ang kaso laban kay Mayor Guo

Naniniwala ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na matibay ang kanilang mga ebidensya laban kay Bamban Mayor Alice Guo, at sa iba pa nitong kasama.

Ito ay kasunod ng non-bailable human trafficking complaint na inihain sa kaniya ng PAOCC at PNP-CIDG sa DOJ.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay PAOCC Spokesperson Winston Casio, sinabi nitong tatlong buwan nilang inaral nang mabuti ang kaso.

Samantala, ipinauubaya naman daw ng PAOCC sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang possible tax evasion case laban sa alkalde.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Kasabay nito ay tiniyak ni Casio na gumugulong ang imbestigasyon ng BIR hinggil sa tax record ni Guo.

Sa huli, nanindigan Casio na ‘fairly confident’ sila sa inihain nilang mga ebidensya laban kay Guo.