PHIVOLCS – muling nakapagtala ng degassing activity sa Taal Volcano

Muling nakapagtala ng degassing activity ang PHIVOLCS sa Taal Volcano.

Ayon sa ulat – na-monitor ang muling pagbubuga ng bulkan mula 01:30am hanggang 07:55am.

Na-oberserbahan sa Agoncillo Observation Station (VTAG) ang ibinuga nitong aabot ng hanggang sa 2,400 meters, at nagdi-drift sa direksyong pa-hilagang kanluran.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Maaaalalang ngayong Hunyo ay sunud-sunod ang mga degassing activities ng Taal Volcano, at mayroon ding ‘significant volume’ ng volcanic gas mula pa noong March 2021.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Kamakalawa, mayroon ding ibinugang 4,641 tonnes/day ng sulfur dioxide ang Taal.

Sa ngayon, nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang Bulkan.