Halos P2 na oil price hike – namumuro

Nadagdagan pa ang inaasahang taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Matapos ang limang araw na trading – lumobo pa sa higit piso ang posibleng itaas sa lahat ng oil products.

Read More:  DOTr orders two Manila bus terminals to explain violations

Sa pagtataya ng oil industry sources – maaari ang P1.60 hanggang P1.80 na umento sa kada litro ng diesel.

Sa gasolina, mayroong inaasahang P1.30 hanggang P1.50 na price hike; habang P1.00 hanggang P1.20 naman ang estimate na idaragdag sa kada litro ng kerosene.

Read More:  DILG offers ₱50 million reward for Bato dela Rosa’s arrest

Araw ng Lunes ia-anunsyo ang opisyal na price adjustment, habang magiging epektibo ito sa araw ng Martes.

Ito na ang ikalawang lingogng sunud-sunod na price hike sa oil products.