Isinusulong sa Sangguniang Panlungsod ang ordinasa na pagbabawal sa pagninigarilyo/pagbebenta ng mga tabacco products at maging mga kahalintulad nito sa mga pampublikong lugar upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan.
Ayon sa may akda na si SK Federation President konsehal Myka Mabelle Magbanua, bukod sa mga pampublikong lugar ay kabilang sa panukala na pagbawalan din ang paninigarilyo sa mga tourist spots sa lungsod.
Nais umano nito na “restrict” ang pagbebenta at maging ang mga paninigarilyo lalo na sa mga pampublikong lugar.
Nakalagay rin aniya sa panukalang ordinansa ang mga pampublikong lugar at mga tourist destination sa Puerto Princesa na ipagbabawal ito.
Nilinaw ng konsehal na maglalagay naman ng designated smoking area upang maiwasan na kung saan-saan na lamang maninigarilyo.
Samantala ang panukalang ito ay na i-refer na sa Committee on Health and Sanitation ng Sangguniang Panlungsod.