Panibagong batch ng Pfizer at Coronavac vaccines dumating sa lungsod ng Legazpi

BICOL—Patuloy ang pagdating ng mga COVID-19 vaccines sa Bicol region ngayong lingo. Kahapon ay panibagong batch ng Pfizer at Coronavac o Sinovac vaccines ang dumating sa lungsod ng Legazpi.

Nakalaan ito para sa mga lalawigan na hindi pa nakasama sa mga unang nabigyan noong mga nagdaang araw.

Kabilang sa mga bagong dumating ay ang 31,000 doses ng Coronavac at 390 vials o 2,340 doses ng Pfizer vaccine na nakalaan para sa lalawigan ng Sorsogon.

Read More:  Transgender woman alleges discrimination in entrance exam process at Lucena City School

Mayroon ding dumating na nasa 49,000 doses ng Coronavac na nakalaan naman para sa islang lalawigan ng Masbate.

Mababatid na una nang dumating sa rehiyon ang nasa 166,800 doses ng Sinovac vaccine at 975 vials o 5,850 doses ng Pfizer vaccine noong Martes.

Karagdagang 23,000 doses ng Sinovac at 585 vials o 3,510 doses ng Pfizer vaccine naman ang dumating noong Miyerkules.

Read More:  Drunk passenger stabs fellow bus rider in Cebu

Sa kabuuan ay nasa 269,800 doses ng Sinovac at 11,700 doses ng Pfizer ang natanggap ng rehiyon sa linggong ito.

Kaugnay nito ay patuloy ang paghikayat ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na magpabakuna na bilang dagdag proteksyon laban sa nakakamatay na coronavirus.### || slm