Paglikas ng mga Afghans sa Kabul airport tuloy sa kabila ng pag-atake ng Taliban

Nangako ang America na tuloy ang paglilikas nila ng mga Afghan sa Kabul airport hanggang sa huling sandali sa kabila ng mga concerns sa pag-atake ng Islamic State group.

Ayon sa Pentagon, totoong malaki pa rin ang banta sa nasabing paliparan pero marami pa ring Afghans ang desperadong makaalis.

Read More:  Venezuela earthquake death toll surpasses 900

Napag-alaman din na marami nang NATO countries ang tumigil na sa kanilang emergency flights. Matatandaan na nagtakda ng deadline na August 31 ang America para lisanin ng kanilang mga sundalo ang Afghanistan.

Sa pinakahuling report, mistulang naghahanda na ang American at British troops sa pag-alis sa Kabul airport sa harap ng pag-take over ng Taliban forces anumang oras.

Read More:  Powerful twin earthquakes shake Venezuela; rescue operations continue in affected areas

Una nang inihayag ng tagapagsalita ng Taliban na kontrolado na nila ang ilang bahagi ng paliparan bagamat kinontra ito ng Pentagon.