15 traders dinukot ng mga armadong grupo sa South Sudan

Dinukot ng mga armadong grupo ang 15 traders sa hilagang bahagi ng South Sudan.

Ayon sa report, $17,000 ang hinihinging ransom ng grupo kapalit ng kalayaan ng mga hindi pa pinapangalanang biktima.

Read More:  Colombia quake death toll tops 250 as rescuers race to find survivors

Sa inisyal na imbestigasyon, bumibiyahe umano ang mga biktima sa White Nile River patungo sa capital city na Juba nang harangin ng mga suspect.

Hindi pa malinaw kung anong grupo ang mga nasa likod ng abduction habang wala pang pahayag ang mga otoridad kung magbabayad ng ransom sa grupo.

Read More:  Spain, Morocco boost security in Ceuta amid renewed migrant crossing calls

Napag-alaman na umaasa ang mga negosyo sa Juba sa White Nile river na paraan ng pagbibiyahe ng mga goods sa lugar.