Pangulong naglabas ng EO na nagre-regulate sa presyo ng mga gamot sa bansa

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang Executive Order na nagre-regulate sa presyo ng medisina sa bansa.

Sa pamamagitan ng EO 155 inaatasan ng Pangulo na magkaroon ng price regulation sa 34 drug molecules at 71 na drug formulas.

Read More:  DFA warns Chinese Embassy over controversial social media posts

Layon umano nito na protektahan ang public health sa pamamagitan ng mas accessible at mas murang mga gamot.

Karamihan sa mga gamot na kasama sa mga pinare-regulate ay panlunas sa mga karaniwang sakit katulad ng anti-asthma, anti-biotics, anti-diarhetic at iba pa.

Read More:  Claire Castro stays in PCO post as Cayetano calls her a “treasure”

Ipinag-utos naman sa Department of Health na bumalangkas ng guidelines para mas maaayos na maipatupad ang naturang EO.