Bulkang Taal nagtala ng 17 volcanic earthquakes

Mahigpit na minomonitor ng Philippine Institute of Volcanology ang Seismology ang aktibidad ng bulkang Taal.

Sa nakalipas na 24-oras nagtala ang bulkan ng 17 volcanic earthquakes kabilang ang 16 na volcanic tremors.

Read More:  ATOM seeks deeper probe into alleged special treatment of Romualdez

Ayon sa Phivolcs aabot sa 5,086 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan sa loob ng isang araw kung saan umabot sa 900 meters ang taas nito.

Read More:  PAGASA warns of danger-level heat index in 16 areas

Kasalakuyan naman nasa alert level 2 ang status sa palibot ng Taal Volcano.

Mahigpit na ipinagbabawala ng pagpasok sa permanent danger zone pati na ang paglipad ng mga sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan.