KORONADAL CITY — SASABAK sa National Young Farmers Challenge Fund: Kabataang Agribiz Competitive Grant Assistance Program ang mga young farmers sa lalawigan ng South Cotabato at Cotabato matapos na nangibabaw ang mga ito bilang regional winners sa isinagawang awarding ceremony ng Department of Agriculture o DA Region 12.
Pasok sa top 3 sina Sheena Allysa Alejo at Shihan Marie Cheska Alejo ng Cotabato province para sa kanilang proyekto na “Tablea & Chocolate Processing”.
Nangibabaw rin ang mga tubong South Cotabato na sina Josue Carmen Jr at Samuel Carmen para sa “Carolina Reapers (World’s Hottest Pepper) Industrial Scale Production at Kimberly Bajade para sa Swine Production project.
Bilang mga regional winners, ang mga ito ay nakatanggap ng tig P 150,000 na cash assistance.
Ang Young Farmers Challenge Fund: Kabataang Agribiz Competitive Grant Assistance Program ay may layuning hikayatin ang mga kabataan na magsimula at magtayo ng sarili nilang agri-fishery based enterprises.
Ang grant na binibigay sa mga ito ang magsisilbing start-up capital ng mga proponents para sa kanilang agri-based micro-enterprise.
Ito ay bahagi ng One DA Reform Agenda: 18 Key Strategies ni Secretray William Dar na kinabibilangan ng Agriculture Career System and Youth Engagement.
Ang naturang mga young farmers ang kakatawan sa Region 12 sa National Young Farmers’ Summit.
Ang presentation ng national winners ay itinakda sa December 17, 2021 kung saan nasa anim na mga winners ang makakatanggap ng tig P 300,000 na cash prize.
