Bilang ng nasawi sa CALABARZON dahil sa Bagyong Kristine, umakyat na sa higit 70

Iniulat ng Office of Civil Defense-CALABARZON na umakyat pa sa 72 ang bilang ng mga naitalang nasawi sa kanilang rehiyon dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine.

Ayon kay Dir. Carlos Alvarez III ng Office of Civil Defense Region 4-A, isinasailalim pa rin sa validation ang numero ng casualty bilang bahagi ng proseso.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Maliban sa mga nasawi, meron pang 13 missing at 45 naman ang naitalang injured.

Read More:  Marcos tells Filipinos “don’t panic” as peso hits record-low ₱64.17 against dollar

Nabatid na pinakamarami ang nasawi sa Batangas dahil sa nangyaring landslide.

Umaasa ang OCD Region 4-A na hindi na madadagdagan ang bilang ng mga nasawi habang patuloy ang ginagawa nilang paghahanap sa mga nawawala.