Pangulong Marcos dumalaw sa burol ni FVR

Personal na nagpaabot ng kanyang pakikiramay si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa naulilang maybahay ni former-President Fidel V. Ramos.

Halos tatlumpong minuto din ang ginugol ni Pangulong Marcos sa burol ni FVR sa Heritage Park sa Taguig City.

Nagpa-unlak naman ng ambush interview ang Pangulo at sinabi pumunta siya para ipaalala kay dating-first lady Ming Ramos ang mga mabuting nagawa ng kanyang asawa lalo noon nanungkulan ito bilang ika-12 pangulo ng bansa.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Ayon kay Marcos sa panahon ni Ramos nagkaroon ng stability ang Pilipinas dahil sa kanyang kalmadong pamamalakad.

Habang-buhay umanong tatanawin ng bansa ang pasasalamat kay FVR na inilaan ang sarili bilang sundalo at public servant.

“I just reminded Mrs Ramos on how FVR, when he became president, was a symbol of stability after all the tumultuous events of 1986 when he came into the presidency he brought calm and he brought stability to our country,” saad ni Marcos.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

“And for that we will always be grateful to him and for all his service all throughout his life as a soldier and as a public servant.”