Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang presidential aspirant na mayroong “bikini” photos online.
Sa kanyang Talk to the People, tinanong ng pangulo sa publiko kung ang nais nilang presidente ay ang training ay parang call boy at naghuhubad at nagpapakuha ng larawan na naka-bikini.
Hindi binanggit ng pangulo kung sinong alkalde ang kanyang tinutukoy pero nakita umano nya ang pictures nito sa Facebook.

Nagbabala rin ang presidente na hindi niya bibigyan ng kapangyarihan ang nasabing alkalde na mamahagi ng “ayuda” o cash aid sa mga apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Giit ni pangulong Duterte, nangyari na ng maraming beses na di organized ang lungsod sa COVID-19 response na sinisisi lamang ng alkalde ang ibang tao imbes na kanyang sarili.