VP Leni sa gov’t.: Sikaping maabot ang 1-M vaccinations a day

Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang gobyerno na paigtingin ang COVID-19 testing at sikaping maabot ang isang milyong COVID-19 vaccinations kada araw sa gitna ng pagkalat ng COVID-19 Delta variant sa bansa. 

Sa isang panayam, binigyang diin ng bise- presidente na kinakailangan madetect ang mga kaso na dulot ng Delta variant.

Dagdag pa ng VP na nasa 50,000 lamang ang testing ng gobyerno sa kabila ng 21% na pagtaas ng mga kaso sa bansa.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Kung hindi umano daragdagan ang COVID-19 testing sa bansa, mas kakalat at mas maraming tao ang mahahawa ng virus.

Binigyan diin din ng bise-presidente na dapat rin maisaayos at paigtingin ang contract tracing system sa bansa dahil mula ng nagsimula ang pandemya wala pa rin tayong sentral na database para sa main contact tracing application.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Hindi rin daw makakatulong ang pagtanggap pa ng mga contact tracer ng gobyerno kung wala namang sentral na database sa lugar. 

Sa kasalukuyan, 9.8 milyong Pilipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19.

Kumakatawan lamang ito sa 8.85% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas, malayo pa rin sa target na 70% ng 109 milyong mga Pilipino para makamit ang “herd immunity”.