Mga alkalde ng Metro Manila, ibaban ang outdoor exercise sa gitna ng ECQ

Inanunsyo ng Metro Manila Council na hindi muna papayagan ang pageehersisyo sa labas sa Metro Manila habang nasa ilalim ito ng enhanced community quarantine (ECQ).

Sa inisyu na Resolution 21-17 ng MMC, na kinabibilangan ng mga alkalde ng Metro Manila, ay pagbabawalan muna ang outdoor exercise hanggang August 20.

Sinabi sa resolusyon na kinikilala ng MMC ang pangangailangan ng mga tao na magehersisyo para isulong at panatilihin ang physical, mental, at emotional health.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Pero naniniwala rin ang council na ang pananatili sa loob ng bahay ay isa sa mga pinakamabisang proteksyon laban sa pandemya sa gitna ng ECQ.

Ipinunto rin sa resolusyon ang bilang ng COVID-19 cases nitong nakaraang linggo, kung saan ay sinabi na nakaranas ang National Capital Region ng pagtaas sa bilang ng infections kabilang na ang mas nakahahawang Delta variant.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Unanimous naman inaprubahan ng 17 alkalde ng Metro Manila ang naturang resolusyon.

Tiniyak naman ni Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos na mali-lift ang naturang kautusan sa August 20 oras na maobserbahan ang pagbaba ng COVID-19 cases.