Pangulo, nilinaw na utos nya ang pagpapagamit ng military assets para sa COVID-19 supplies

Binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na utos niya ang pagpapagamit ng mga eroplano ng gobyerno para sa transportasyon ng medical supplies na binili nito mula sa China.

Inihayag ito ng Punong Ehekutibo matapos hingiin ng mga senador ang detalye ng trasportasyon ng mga suplay ng medical equipment gamit ang military at naval assets.

Tinawag naman ng Pangulo si Senator Richard Gordon bilang ipokrito dahil mismong ang senador ang gumamit sa C-130 planes ng militar para sa transportasyon ng supplies ng Philippine Red Cross.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Nilinaw naman ni National Task Force on COVID-19 head Secretary Carlito Galvez Jr. na walang government flights ang ginamit para sa transportasyon ng COVID-19 supplies mula sa Pharmally, na sentro ng imbestigasyon ngayon ng Senado.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Ipinunto ni Galvez na ang unang kontrata ng Pilipinas ay mula sa Chungzen at Junhua kung saan ay nasa 900,000 ang bilang ng supplies na kailangan kunin ng bansa na dahilan kung bakit nagamit ang C-130 at flights ng ilang airline compAnies.

Una nang sinabi ng Procurement Service ng Department of Budget and Management na ginamit ang mga eroplano ng Philippine Air Force sa transportasyon ng COVID-19 supplies.