CAMARINES NORTE- Nanatiling na sa high risk level ang COVID at isolation beds sa lalawigan ng Camarines Norte batay sa healthcare utilization rate update ng Department of Health (DOH) nitong Lunes.
Ayon sa departamento, sa 129 beds for COVID na inilaan ng lalawigan nasa 99 ang nagamit o 77 % utilization rate kaya nasa high risk level.
High risk din ang isolation bed na mayroong 81 % utilization habang ang ICU beds at mechanical ventilatros ay nasa moderate risk.
Patuloy naman ang paalala ng departamento na sundin ang minimum health standards kontra COVID- 19 tulad ng pagsusuot ng face mask, social distancing at palagiang pag sanitize ng kamay kontra sa git naa na rin ng paglobo pa ng mga kaso nito.
Samantala, kaniya- kaniya namang higpit ang mga Lokal na Pamahalaan lalo na sa pagpapatupad ng curfew hours.
Ang mga APORS lamang na may panggabing trabaho ang exempted.
