Panelo: VP Sara – malaking kawalan sa PBBM admin

Inihayag ni dating chief presidential legal counsel Salvador Panelo na malaking kawalan sa administrasyong Marcos ang pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte sa Gabinete.

Inilarawan kasi ni Panelo si VP Duterte bilang isa sa mga ilang nagpe-perform na kalihim ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Ngunit hindi na rin aniya ikinagulat ang desisyon ng Bise Presidente dahil sa mga nangyayari sa kanyang kapaligiran.

Maari ring dumagdag sa desisyon ni Duterte ang umano’y pagkukulang ng Pangulo na ipagtanggol siya sa iba’t ibang isyu.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Samantala, isa pang dating tagapagsalita ni Dating Presidente Duterte na si Harry Roque ang nagsalita at sinabi na ang Bise Presidente na ang bagong pinuno ng oposisyon.