PBBM, hinihimok na makipagpulong sa NSC at mga dating Pangulo hinggil sa nangyaring insidente sa WPS

Hinihimok si Pangulong Bongbong Marcos na ipatawag na ang National Security Council (NSC) kasama ang mga dating pangulo ng bansa upang ipakita na ang Pilipinas ay nasa “heightened level,” matapos ang pangha-harrass ng China sa mga Pilipino sa Ayungin Shoal.

Isinusulong ito ni Senador Francis Tolentino batay sa Executive Order 115 na inilabas noong 1986, na naguutos sa NSC na suriin at pag-aralan ang lahat ng impormasyon, kaganapan, at mga insidente nagba-banta sa pangkalahatang seguridad at katatagan ng bansa.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Bukod sa mga miyembro ng NSC, sinabi ni Tolentino na dapat kasama rin sa pagpupulong ang mga dating pangulo at mga respetadong pinuno bilang may mga karanasan na sila kung paano tugunan ang nangyaring insidente.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Aniya, kabilang sa mga paksang dapat ikonsidera ng NSC ay ang kahulugan ng salitang “armed attack” sa ilalim ng Pilipinas at Mutual Defense Treaty (MDT) ng Amerika.