Panawagang ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas, tigilan na – Pang. Marcos

“Huwag nating talikuran ang ating panata”
Ito ang mariing sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos kaugnay sa itinutulak na paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas.

Kaya mahigpit ang apela nito sa mga nagsusulong na itigil na ang kanilang panawagan, dahil malinaw itong paglabag sa 1987 constitution.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Naniniwala ang Presidente na mabibigo ang isinusulong na one Mindanao, dahil naka angkla ito sa maling basehan at taliwas sa hinuhubog na Bagong Pilipinas at wawasak daw ito sa bansang Pilipinas.

Read More:  Comelec orders new probe into Escudero campaign contribution allegations

Sa huli hinimok ng Punong Ehekutibo ang lahat na pangalagaan ang ating republika at ang lahat ng sinasagisag ng ating bandila na tatlong bituin at ang araw.