Bilang ng active cases ng corona virus disease sa Zambales at Olongapo malaki na ang ibinababa

Bumaba na sa mahigit tatlong daan na lamang ang bilang ng aktibong kaso ng corona virus disease sa lalawigan ng Zambales.

Base sa datos ng Provincial Health Office, as of October 24 ay nasa 319 na lamang ang active cases mula sa 9,589 confirmed cases.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Umakyat na rin sa 9,048 ang bilang ng mga nakarekober habang 522 ang binawian ng buhay.

Sa lungsod naman ng Olongapo malaki na rin ang ibinaba ang aktibong kaso at mayroon na lamang 142 as of October 23.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Makikita rin sa datos ng City Health Office na halos single digit na lamang ang naitatalang bagong kaso sa loob ng ilang araw.

Samantala, umabot na sa 4,970 ang nakakarekober sa lungsod habang 300 naman ang binawian ng buhay.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'Power Cells Salabat Herbal Mix Ginger Brew Sleep Disorders w.aaa. www.powercells.ph'