Pampublikong silid-aklatan sa Polangui, Albay hinirang bilang top performing public municipal library sa buong Pilipinas

LEGAZPI CITY- Itinanghal ng Public Division Libraries ng National Library of the Philippines ang pampublikong silid-aklatan mula sa bayan ng Polangui, Albay bilang Top Performing Municipal Public Library sa buong Pilipinas ngayong taon.

Misyon ng silid-aklatan na ito na mapagsilbihan hindi lang ang mga estudyante ng Polangui kundi maging ang mga karatig bayan nito.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Bukod sa pagkakaroon ng libreng WIFI access sa mga gumagamit ng nasabing silid-aklatan, nagkaroon din ng online storytelling sa kanilang Facebook page para sa mga mag-aaral na hindi personal na nakapunta dito dahil sa pandemya.

Dagdag pa rito ang share-a-book donation drive ng silid-aklatan na may layuning maglikom ng aklat na maaaring ipamahagi sa mga mag-aaral ng nabanggit na bayan.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Matapos tanghalin bilang pinaka mahusay na public library sa buong Pilipinas, personal itong pinarangal ng alkalde ng Polangui at pinasalamatan sa ikalawang taon nitong pagbibigay ng karangalan dahil sa maayos at masigasig na pagbibigay ng serbisyo sa mga Polangueños.