BNFM BICOL— Nagpahayag ng kalungkutan ang buong hanay ng kapulisan sa lalawigan ng Sorsogon matapos na masawi ang isa nilang kabaro makaraang magbigay ng seguridad sa ginanap na political rally ni Presidential Aspirant Bong Bong Marcos sa Sorsogon Provincial Gymnasium nitong March 4.
Ayon sa pamunuan ng Sorsogon PPO, nakikiramay sila sa mga naulilang pamilya ni Police Corporal Persis Ivan Dy, na naka assigned sa Provincial Investigation Detective Management Unit.
Batay sa ulat, isinugod sa ospital ang nasawing pulis matapos sumama ang kanyang pakiramdam pagkabalik ng istasyon mula sa campaign rally.
Umabot umano sa 230/300 ang blood pressure nito at na comatose hanggang sa tuluyang bawian ng buhay nitong March 5. Ayon sa sumuring doktor, “hemorrhagic stroke” ang naging sanhi ng kamatayan nito.
Sa kasalukuyan, nakaburol na ang bangkay ng biktima sa isang punerarya sa Sorsogon City.###
Photo: Myr Dagnalan