Lalaking nagbabad ng 3 oras sa yelo pasok sa Guinness World Record

Pasok sa Guinness World Record ang isang lalaki sa Lituania matapos na ibabad ang kanyang buong katawan sa yelo sa loob ng tatlong oras.

Ayon kay Valerjan Romanovski, nagsanay siya ng 6 na buwan bago sumalang sa nasabing pagsubok dahil nais umano niyang talunin ang 2 oras na Guinness World Record na hawak ni Romain Vandendorpe.

Dagdag pa nito, hindi umano mahirap ang kanyang mga ginawang pagsasanay dahil handa sya sa mga hamon na kinakaharap nya at sinusunod nya ang mga payo ng mga doktor.

Samantala, noong nakaraan lamang ay nakapagtala na ng rekord sa Guinness World Record si Romanovski bilang may pinakamalayong napuntahan gamit ang bisekleta na umabot sa 195. 51 na milya sa loob lamang ng 12 oras.### ROWELYN SARALDE, Intern