Pampanga Governor Dennis “Delta” Pineda, pinulong ang mga Obstetrician-Gynecologistsa lalawigan

Ipinatawag ni Governor Dennis “Delta” Pineda ang mga Obstetrician-Gynecologist sa lalawigan para hingin ang kooperasyon ng mga ito sa isang programa na layong maglaan ng isang pasilidad na ekslusibo para sa mga OB-GYN patient na nagpositibo sa COVID-19.

Ito ay matapos lumobo ang bilang ng mga buntis na nagpositibo sa naturang virus nitong mga nakalipas na araw.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Isang paraan umano ito ng Pamahalaang Panlalawigan para tulungang ma-decongest ang Jose B. Lingad Memorial General Hospital dahil sa umaapaw na bilang ng COVID-19 patients na kasalukuyang naka-admit dito.

Batay sa napag-usapan, maglalaan muna ng inisyal na labinlimang kama sa gagawing COVID-19 referral hospital para sa mga buntis na tinamaan ng COVID-19.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Ayon kay Malu Lacson, central command deputy on COVID-19 vaccination roll-out, limang OB-GYN doctors ang mangangasiwa sa naturang ospital para sa COVID-19 positive pregnant women.