Binisita ng mga kinatawan ng World Health Organization o WHO ang lalawigan ng Pampanga kahapon.
Ayon sa Provincial Information Office, tinignan ng WHO ang sistema, palakad at mga pasilidad ng lalawigan sa pagsalba ng buhay ng mga tinamaan ng Covid-19.
Kinausap rin umano ng ahensya ang mga medical frontliners para kumustahin ang sitwasyuon ng kani-kanilang mga pasyente.
Samantala, kabilang sa mga bumisita na kinatawan ng WHO ay sina sina Dr. Ralph Nico Selibio ang Health Service Delivery Subpillar Lead at Regional Outreach Focal for Visayas; Dr Asma Saidouni – Epidemiologist; at si Rocel Junio ang kanilang Communications Officer.
