Pamimigay ng gadgets ng DepEd sa mga eskwelahan, nagpapatuloy -sdo cauayan

Nagpapatuloy ang pamamahagi ng Department of Education Region 2 ng mga gadgets sa mga paaralan sa pamamagitan ng Schools Division Office Cauayan City.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Schools Division Superintendent Dr. Alfredo Gumaru Jr ng SDO Cauayan City, patuloy ang pamamahagi ng DepEd ng gadgets sa mga paaralan kung saan aniya ay mayroon ng mga paaralan sa lunsod ang nabigyan ng mga bagong laptop.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Ayon pa kay Dr. Gumaru, mayroon ding ibinigay ang DepEd na mga computer packages sa opisina ng SDO Cauayan na nakatakdang ibahagi sa mga integrated school sa lunsod.

Ito aniya ay maaaring gamitin ng mga guro sa kanilang pag-aaral kung saan ang mga luma nang naibigay na computers ay maaaring ipahiram sa mga estudyanteng nangangailangan nito upang matugunan ng maayos ang kanilang pag-aaral.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Samantala, maayos naman umano ang pagsisimula ng 4th Quarter ng SY 2020-2021 at nagpapatuloy ang pamamahagi ng mga guro ng activity sheets at modules sa mga lugar na walang kaso ng COVID-19.

Dagdag pa ni Dr. Gumaru, nagpapatuloy din ang isinasagawang training packages ng SDO Cauayan sa mga guro upang maayos ang pagpapatuloy na RBI at online classes sa mga estudyante.