Vaccination acceptance sa lalawigan ng Isabela, bumubuti

Bumubuti umano ang vaccination acceptance sa COVID-19 vaccine ng mga kabilang sa priority list sa probinsya ng Isabela.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Elizabeth Binag, Isabela Provincial Information Officer sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, gumaganda na ngayon ang response ng mga eligible vaccinees sa pagtanggap sa mga bakuna.

Ilan aniya kasi sa mga naitatalang dahilan ng deferrals at refusal ay ayaw ng mga ito ang brand ng available vaccines.

Gayunman, patuloy naman aniya ang ginagawang puspusang information and education campaign ng pamahalaang panlalawigan at ang walang humpay na paghikayat ng mga opisyal sa mga kababayan na magpabakuna rin bilang karagdagang proteksyon laban sa COVId-19.

Dagdag pa niya, wala namang kaso ng mga unmanageable adverse event pagakatapos ng inoculation.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang vaccination roll out sa iba’t-ibang munisipalidad at syudad sa probinsya kung saan nasa group A5 na ang mga binabakunahan.

Samantala, may mga dumarating din aniyang mga bakuna sa Isabela Provincial Health Office na dinadala sa mga vaccination sites mula sa DOH Region 2.

Inaasahan naman aniyang sa buwan ng July ay darating na at sisimulan na ang roll out sa mga bakunang inorder ng pamahalaang panlalawigan at LGUs.