P44m casili flood control sa Mallig, Isabela, natapos na

Natapos na ng ang proyektong Casili Flood Control ng Department of Public Works and Highways – Isabela Second District Engineering Office (DPWH-ISDEO) sa Brgy. Casili Mallig, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, pinondohan ang nasabing proyekto ng 44 milyon pesos kung saan higit 1,000 residente ang makikinabang dito.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ayon sa report ni OIC-District Engineer Jose Tobias, ang naturang flood control ay may 2 section at kabuoang haba na 743.60 linear meters.

Inihayag din ni Engr. Tobias, nakumpleto sa inilatag na time frame ang ang nasabing proyekto sa kabila ng nagpapatuloy na pandemya.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Layunin nitong mapigilan ang maaring pagguho ng lupa sa lugar upang maprotektahan ang mga residente rito.

Samantala, nakatulong ang naturang proyekto sa pagbibigay ng trabaho sa mga residente upang mapabuti ang kanilang hanapbuhay at makatulong sa ekonomiya ng lalawigan.