CAMARINES NORTE- Tumanggap ng ayuda ang pamilya ng dalawang nawawalang mangigisda sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Personal itong iniabot ni Mayor Alexander Pajarillo kasama ang mga taga DSWD Provincial Field Office at MSWD.
Halagang P10, 000 bawat isa at food packs ang natanggap ng mga pamilya nina Arnel Era at kasama nitong si Alex Bersabal.
Ayon sa pamilya, December 21 ng taong kasalukuyan nang pumalaot ang dalawa at dapat sanang nakauwi pagkalipas ng dalawa hanggang tatlong araw.
Narekober na ang ginamit na bangka ng nabanggit na mangingisda pero hindi pa nakita ang mga sakay nito.
Nagsagawa na rin ng aerial search nitong Martes ang Coast Guard sa Easter seaboards ng Bicol pero bigo pa ring makita ang dalawa.
Matatandaan na dati nang nagpaalala si Mayor Pajarillo sa mga mangigisda na makinig palagi sa mga advisory ng mga kinauukulan at iwasan ang pagpalot kapag masama ang panahon.
Nagbigay rin ito noon ng tagubilin na kung papalaot ay magreport o magpa- blotter sa Barangay upang kung may mga ganitong hindi inaasahang pangyayari ay mayroong matanggap na ayuda mula sa Office of Civil Defense (OCD).
