Pamamahagi ng food packs sa mga apektado ng El Niño sa Koronadal, magsisimula na

KORONADAL CITY – NAKATAKDA na sa Mayo 28, 2024 ang pagsisimula ng pamamahagi ng ayuda o food packs para sa 25, 000 na mga pamilya sa lungsod ng Koronadal City na naapektuhan ng dry spell ng El Nino phenomenon.

Ito ang inihayag ni City Disaster Risk Reduction and Management o CDRRMO Head Cyrus Jose Urbano sa isinagawang Press Conference kung saan, kanilang isinasagawa ang packing ng food packs sa Regional Evacuation Center na nasa Barangay San Jose, Koronadal City.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Binigyang-diin ni Urbano, na kanilang tututukan ang 27 lahat na mga barangay sa lungsod kung saan ang kanilang maiipon sa isang araw, ay agad nila itong ipapamahagi upang hindi masayang makaraang naantala na ang mga ito ng isang lingo dahil naman sa isinagawang procurement process.

Ni-require naman ang lahat na mga barangay sa lungsod na magsumite ng listahan ng mga lubos na nangangailangan para sa ayuda o food packs na ipapamahagi sa naturang araw.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Dagdag nito, ang kwalipikado sa ayudang ito ay ang mga farm owners, tenants at farm laborers. Samantala, kasama sa mga nagvalidate sa mga benepisyaryo ay ang City Affairs Office, City Agriculture at CSWDO kung saan ito ang vinalidate dahil ay iba na dapat mabigyan ay wala sa listahan, na kung saan magiging family basis ang mabibigyan at hindi bawat indibidwal.