Wala nang extension ang pamamahagi ng DSWD sa educational assistance na nakatakdang magtapos sa September 24 ngayong taon.
Ayon kay DSWD Sec. Erwin Tulfo ito ay sa kabila na marami pa rin ang mga magulang at estudyante ang hindi nakasama o nakapasok sa online application matapos mapuno ang server ng ahensiya para naturang aplikasyon.
Nilinaw naman naman ng kalihim na hindi ibig sabihin nito ay magtatapos ang pamamahagi nila ng ayuda sa mga estudyante.
Paliwanag ni Tulfo may inisyal na silang pag-uusap kasama ang liderato ng Kongreso kung saan natalakay kung paano maipagpapatuloy ang pamamahagi ng educational assistance.
Dahil sa kakulangan ng pondo nang ahensiya, posible umanong gamitin ang pondo ng mga kongresista sa kanilang mga distrito para mabigyan ang natitirang pang pamilya na hindi nakatanggap ng educational assistance.
Ipa-prayuridad umano sa susunod na bugso ng pamamahagi ng educanal aid ang mga hindi nakasama sa online application.
Sa ngayon inihayag ni Tulfo na nasa P800-Million na ang kanilang nailalabas mula sa P1.5-Billion na budget na inilaan kanilang ahensiya para ipamahagi sa mga mahihirap na estudyante.
