Pamahalaan, patuloy na nakikipag-uganayan para sa pagpapalaya ng 3 pang natitirang Pinoy seafarers

Patuloy na kumikilos ang pamahalaan para mapalaya na rin ang tatlo pang natitirang Pinoy seafarers na sakay ng MSC Aries.

Sa ngayon nakikipag negotiate pa rin ang Department of Foreign Affairs, Department of Migrant Workers, Overseas Workers Welfare Administration, at Philippine Embassy sa Tehran upang makauwi na rin ang tatlo pang natitirang Pinoy.

Mababatid na nakauwi na kahapon sa bansa ang isang Pinoy seaman na kabilang sa 7 crew ng MSC Aries na pinalaya ng Iranian authorities.

Alinsunod naman sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos, nagbigay ang pamahalaan ng tulong pinansyal sa nakauwing Pinoy seafarer.

April 14 nang kubkubin ng Iranian Naval Authorities ang cargo vessel habang bumabaybay sa strait of Hormuz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *