Presensiya ng Chinese vessels sa isinagawang pagsasanay sa katatapos lang na Balikatan exercise sa WPS – ‘expected’ na raw ng militar

‘Expected’ na raw ang presensiya ng Chinese vessels sa isinagawang multilateral maritime exercise sa katatapos lang na Balikatan exercise sa bahagi ng West Philippine Sea.

Ayon kay Balikatan 2024 Executive Agent Col. Michael Logico, hindi na ito bago dahil sa mga nakaraang Balikatan ay hindi rin nakatiis ang China sa pagpapadala ng People’s Liberation Army Navy para mag-monitor at magkaroon ng presensiya sa lugar.

Pero ang bago rito ayon kay Col. Logico , ay nag step-up o lumabas ng 12 nautical miles na territorial waters ng bansa ang isinagawang maritime exercise kamakailan.

Samanatala, sinabi ni Logico, na isang game changer capabilities ang paggamit ng mga high-tech weapon systems ng militar sa Balikatan ngayong taon.

Nag-uumpisa na rin ang pagpaplano para sa Balikatan 2025.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *