Exporters sector, hihirit ng moratorium sa mga wage hike; Ilang kongresista naman, umapela

Posibleng hilingin ng Confederation of Wearable Exporters of the Philippines sa gobyerno na magpatupad ng moratorium sa isinusulong na mga wage hike.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Labor and Employment, iginiit ni CONWEP Executive Director Maritess Agoncillo na hindi sila sang-ayon sa dagdag-sahod dahil sa potensyal na pagkawala ng trabaho at pamumuhunan sa kanilang sektor.

Nahihirapan aniya ang export sector dahil sa mahinang demand ng world market at kalituhan sa non-tariff policies ng mga pangunahing export markets.

Nanindigan din ang Employers Confederation of the Philippines na malalagay sa panganib ang mga manggagawa hindi lamang sa informal sector kundi pati na sa micro, small and medium enterprises dulot ng legislated wage hike.

Pero depensa ng Trade Union Congress of the Philippines, simula pa noong 1989 ay hindi naman gaanong nakaapekto sa inflation at unemployment ang legislated wage hike.

Sa katunayan, natuklasan sa pag-aaral ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research na 67 percent ng mga manggagawa ang nagpapakita ng pagiging produktibo dahil nagkaroon sila ng dignidad sa trabaho.

Panawagan naman ng Makabayan Bloc sa komite, huwag nang i-“dribble” o patagalin pa ang pagdinig sa panukalang dagdag-sahod at ipasa na para sa kapakanan ng mga manggagawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *