Pamahalaan, aalamin kung anong ginagawa ng mga Chinese vessels sa Catanduanes

Magpapadala ang Pilipinas ng mga barko sa East Philippine Sea para siyasatin ang mga aktibidad na ginagawa ng Chinese vessels sa lugar na sakop ng teritoryo ng bansa.

Ayon kay National Security Council Asst. Director Jonathan Malaya, nakatigil at tila nakaparada ang barko ng China doon.

Hindi rin aniya ito sumagot nang mag-radio challenge ang eroplano ng Philippine Air Force.

Sa huli, sinabi ni Malaya na kahit ano ay maaaring orason ng China – gaya ng nasiraan ang naturang barko.

Dahil dito, kailangan na umanong matiyak ang tunay na aktibidad ng China kung bakit nakatigil ang barko nito sa bahagi ng Catanduanes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *