Palawan Provincial Peace and Order Council, naniniwalang mareresolba ang sigalot sa WPS sa maayos na pag-uusap

Naniniwala ang Palawan Provincial Peace and Order Council na mareresolba ang sigalot sa West Philippine Sea sa maayos na pag-uusap sa pagitan ng China at Pilipinas.

Ayon kay Palawan Board Member Ferdinand Zaballa, ayaw ng bansa sa gyera gayundin ang China at ang agawan ng teritoryo ay hindi dapat humantong sa pakikipagdigma.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Kaugnay nito, suportado naman ng konseyo ang utos ni Pangulong Marcos na h’wag gagamit ng dahas laban sa mga Chinese coast guard.

Ayon naman kay BM Anton Alvarez, kailangan pa rin pairalin ang maximum tolerance upang hindi na humantong sa malalang gulo.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Samantala, suportado rin nila ang pahayag ng ilang Board Member na magkaroon ng contingency plan kontra gyera ngunit wala dapat umanong ipangamba ang mga Palaweño.