Dalawang lalaki pinagsasaksak sa San Juan, Batangas

Batangas City – Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ng isa nitong kasamahan, matapos pagsasaksakin ng kanilang nakaalitang driver sa Barangay Poctol, San Juan, Batangas.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Roldan” at alyas “Victo”, pawang mga residente ng naturang lugar, habang minabuti namang hindi na pangalanan ang dalawang biktima.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente bandang alas 9:10 ng gabi noong June 26, 2024 kung saan sakay ang mga biktima sa isang tricycle at kasama ang kanilang pamilya nang maganap ang insidente.

Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga suspek at biktima dahil sa parehong malakas ang beam light ng kani-kanilang mga sasakyan.

Bigla na lamang kinompronta ng suspek ang biktima at walang ano-ano’y sinaksak sang biktima sa tiyan, dahil sa pangyayari ay umawat ang kasamahan nito ngunit pati ito ay sinaksak ng suspek.

Samantala, kaagad namang dinala sa pinakamalapit na ospital ang mga susupek ngiunit kalaunan ay binawian din ng buhay ang isa sa mga ito, habang patuloy na nagpapagaling ang kasamahan nito.

Sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng operasyon ang mga awtoridad para sa pagkakaaresto nang nakatakas na suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *