Babae patay matapos pagbabarilin sa Padre Garcia, Batangas

Batangas City – Kalunos-lunos ang sinapit ng isang babae, matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay San Felipe, Padre Garcia, Batangas.

Kinilala ng mga awtoritidad ang nasawing biktima na si alyas “Auring”, at residente ng naturang lugar.

Batay sa report, bandang alas 5:00 ng hapon noong June 26, 2024 nang maganap ang insidente kung saan nakatayo ang biktima sa harap ng isang establisyemento, nang bigla na lamang itong pagbabarilin ng suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Read More:  Batangas solons condemn Leviste remarks against Recto couple

Pagkatapos ng pamamaril ay kaagad na tumakas ang suspek patungo sa hindi pa malamang direksyon.

Read More:  Batangas solons condemn Leviste remarks against Recto couple

Kaagad namang isinugod sa pinakamalapit na ospital ang biktima ngunit binawian din ito nang buhay.

Samantala sa panayam naman ng Brigada Batangas sa Pagde Garcia Police Station, sinabi nila na mayroon na silang tinitingnang person of interest sa insidente at patuloy aniya ang kanilang ginagawang imbestigasyon.