Palasyo, tiniyak ang kahandaan ng mga otoridad sa banta ng panggugulo sa halalan

Tiniyak ng Palasyo na handa ito sa anumang mga posibleng banta sa mismong araw ng halalan.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, makasisiguro ang publiko na handa ang Philippine Naitonal Police at ang Armed Forces of the Philippines sa mga posibilidad ng panggugulo sa eleksyon sa Mayo a-Nueve.

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Tiniyak din ng opisyal na mayroon nang mga nakalatag na hakbang ang mga uniformed personnel sakali mang mayroong mga mangyaring untoward incidents sa oras na umupo na ang bagong Pangulo ng Republiko.

Ito umano ay sa gitna ng mga impormasyong mayroong manggugulo kapag nanalo si dating senador Bonbong Marcos.

Read More:  House prosecutors await VP Sara’s appearance in impeachment trial

Bago ito, una nang tiniyak ng PNP chief Gen. Dionardo Carlos na mayroon na silang security measures at contingency plan para masigurong ligtas at payapang makaboboto ang ating mga kababayan.
#