Agaton death toll: 224 dead; 147 missing – NDRRMC

Umakyat sa 224 ang kumpirmadong bilang ng mga buhay na binabawi matapos ang pananalasa ng Bagyong Agaton.

Ayon sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, 202 mula sa nasabing bilang ay nagmula sa Eastern Visayas.

13 naman ang mula sa Western Visayas, tatlo sa Davao, at dalawa mula sa Central Visayas.

Read More:  NGCP: stable power services in Mindanao following earthquake

Samantala, 147 pa rin ang nananatiling missing.

PCG PHOTO

Sa ulat naman ng Department of Public Works and Highways, aabot na sa higit P1.45 Billion ang pinsalang iniwan nito sa imprastraktura.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Ayon kay DPWH acting Secretary Roger Mercado, sa Region 8 pa lamang ay aabot na sa P1.3Billion ang pinsala sa mga pangunahing kalsada at mga tulay.

Samantala, 47 naman na ang mga nabuksang kalsada at mga kalye habang nananatili pa ring sarado ang mga kalsada sa Leyte na higit na napinsala ng mga landslide.
#