Palasyo, pag-aaralan ang SC ruling sa Anti-Terror Law

Pag-aaralan ng Malacañang ang desisyon ng Supreme Court sa pagdedeklara bilang unconstitutional sa portions ng kontrobersiyal na Republic Act 11479 o ang Anti-Terrorism Act, para matukoy ang susunod nilang hakbang.

Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles, hindi pa nakukuha ng Palasyo ang kopya ng SC ruling.

Nanindigan naman ang Malacañang na ang naturang batas ay nag-gigiit sa kanilang commitment sa seryosong pagpapatupad laban sa terorismo at katigan ang rule of law.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Mababatid na sa kanilang ruling, tinanggal ng Kataas-taasang Hukuman, dahil sa pagiging overbroad at violative sa freedom of expression ang qualifier portion ng Section 4 na nagsasaad na “…which are not intended to cause death or serious physical harm to a person, to endanger a person’s life, or to create a serious risk to public safety.”

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Isang pang bahagi na tinanggal ay ang ikalawang method para sa designation sa ilalim ng Section 25, na nagsasaad naman na “Request for designations by other jurisdictions or supranational jurisdictions may be adopted by the ATC after determination that the proposed designee meets the criteria for designation of UNSCR No. 1373.” //MHEL PACIA-TRINIDAD