DOH – Wala pang Omicron variant sa PH, pero may 38 new Delta cases

Kinumpirma ng Department of Health na walang pang nadedetect na Omicron variant sa pinakabagong resulta ng genome sequencing mula sa 48 samples.

Ang mga sinuring specimens ay mula sa 12 returning overseas Filipinos at 36 local cases mula sa mga lugar na may mataas na risk ng average daily attack rates at clusters ng infection.

Sa gitna nito, 38 o halos 79% ang nakitang mayroong Delta variant mula sa mga sinequence na specimens.

Dahil dito, nasa 7,886 na ang kabuoang bilang ng Delta variant cases sa bansa.

Mula naman sa karagdagang 38 Delta cases, 31 ang local cases at ang pito ay pawang mga returning Filipinos. //MHEL PACIA-TRINIDAD