Palasyo, nakikitang posible nang luwagan ang COVID-19 restrictions sa NCR

Posible nang luwagan ng gobyerno ang quarantine restrictions sa Metro Manila, dahil sa mababa nang bilang sa mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang pahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque ay matapos sabihin ni Dr. Guido David ng OCTA Research Group na ang Metro Manila ay nananalo na sa laban kontra sa mas nakakahawang Delta variant kung saan ang reproduction rate sa rehiyon ay bumalik noong Hulyo hanggang Agusto na lebel sa 0.63.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Ang magandang balita rin umano, matapos ang ilang buwan, ang Intensive Care Unit bed capacity para sa COVID-19 patients sa NCR ay nasa moderate risk, na isang factor rin na maaring ikonsidera ang pagbaba sa quarantine classification.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Sa kabila nito, binigyang diin parin ni Roque, na ang granular lockdowns na ipinapatupad sa Metro Manila sa gitna ng pagiging Alert Level 4 na naglilimita sa dining out sa 10 hanggang 30% operating capacity ay nasa pilot stage aprin, at kailangan pa ng mas mahabang panahon para pag-isipan ng maayos. //MHEL PACIA-TRINIDAD