Nanindigan ang mahigit 300 physicians, mga nakaraan at kasalukuyang health leaders, at limang dating Health secretaries laban sa tangkang pagharang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa imbestigasyon ng Senado sa alegasyong maanomaliyang sa COVID-19 response funds.
Kaugnay nito, lumagda ang Philippine College of Physicians, kabilang na ang mga nakaraan at kasalukuyang presidente, ng strongly-worded letter of indignation at call to action na naka-address sa gobyerno.
Kahit sina dating Health secretaries Carmencita Reodica, Manuel Dayrit, Enrique Ona Jr, Esperanza Cabral at Paulyn Ubial ay lumagda sa pahayag na humihiling kay Duterte na huwag harangan ang Blue Ribbon Committee inquiry.
Giit ni Dr. Norberto Lingling Uy, dapat si Duterte ang unang maglunsad ng imbestigasyon o ipag-utos sa kanyang mga opisyal na dumalo sa pagdinig kung ang prayuridad talaga nito ay ibunyag ang posibleng anomaliya sa paghawak ng pandemic funds o kung pinapahalagahan nito ang kanyang mga kababayan.

Sinabi naman ni Dr. Eugene Ramos, dating presidente ng PCP, na ‘big deal’ ang naturang liham na personal na nilagdaan ng daan-daang physicans sa bansa, dahil hindi naman talaga sumasali ang mga doktor sa protesta na may kaugnayan sa pulitika upang makatutok sila sa kanilang mga trabaho.
Pero sa panahong ito umano, hindi na option ang pananahimik. //MHEL PACIA-TRINIDAD