Palasyo, nagpaabot ng pagbati sa inagurasyon ni VP-elect Sara Duterte

Pinasalamatan ng Malacañang ang mamamayang Pilipino dahil sa pagtiwala at pagsuporta kay Vice President-elect Sara Duterte-Carpio.

Ang pahayag ni acting presidential spokesperson Martin Andanar ay sa gitna ng pormal na panunumpa ni Duterte-Carpio bilang ika-15 pangalawang pangulo ng Republiko ng Pilipinas.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Binati rin ng Palasyo ang bise presidente sa opisyal nitong panunumpa.

Dagdag ni Andanar, na tulad sa kanilang unang ipinapanawagan, umapela ito ng patuloy na pagsuporta sa bagong pangalawang pangulo, at sa lahat ng bagong halal na lider.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Ito umano ay sa harap ng mga responsibilidad at hamon na haharapin ng kanilang opisina at pagtupad sa mandato ng paghahatid ng tunay na pagbabago sa bayan. //MHEL PACIA