Inimbitahan ng Office of Vice President ang kanyang successor na si Sara Duterte, na dumalo sa kanilang huling general assembly, bago bumaba sa pwesto si Leni Robredo.
Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo na sa June 27 ang huling general assembly ng OVP.
Dagdag ni Gutierrez, may mga pulong na sa pagitan ng staff ni outgoing president at Duterte.
Pero sa kabila nito, hindi pa personal na nagkikita si Robredo at Duterte.

Mababatid na ang transition team lang ni Duterte ang nakaharap ni Robredo.
Nang imbitahan naman ang outgoing vice president na dumalo sa inagurasyon ni Duterte sa Davao City, ay may nauna nang commitment si Robredo sa Camarines Sur. //MHEL PACIA