Sen. Go, ikinokonsidera bilang serious concern ang mental health ng mga Pilipino

Nababahala si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go hinggil sa epekto ng nagpapatuloy na Covid-19 pandemic at iba pang krisis, para sa mental health ng mga Pilipino, kasabay ng panawagan para sa mas malakas na government interventions, lalo na sa probisyon ng psychosocial services at support.

Kaugnay nito, senegundahan ni Go, na chairman ng Senate Health and Demography Committee, ang naunang apela ng World Health Organization (WHO) para sa mga bansa na mag-invest sa mental health.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Napaulat kasi na two percent lang ng national health budgets at less than one percent lang ng lahat ng international health aid ang napupunta sa mental health.

Dahil dito, muling nanawagan si Go sa gobyerno na i-explore ang lahat ng posibilidad ng pagbibigay kinakailangang guidance sa mga pamilya, lalo na’t patuloy na nakakaapekto ang pandemya hindi lang sa kabuhayan at physical health ng mga tao, kundi sa emotional at mental conditions.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Binigyang diin rin nito kailangang gawin ang persistent efforts para lubusang matupad ang layunin ng Mental Health Law na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2018 o ang Republic Act (RA) 11036. //MHEL PACIA