Palasyo, kumpiyansang 50% ng populasyon sa NCR ang mababakunahan na by Aug. 20

Kumpiyansa ang Malacañang na nasa 50 percent ng populasyon sa Metro Manila ang mababakunahan na laban sa COVID-19 pagdating ng August 20 o huling araw ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capita Region (NCR).

Ginawa ni presidential spokesperson Harry Roque ang pahayag nang tanungin kung ang apat na milyong doses ng COVID-19 na ibinigay sa Metro Manila ay gagamitin mula August 6 hanggang 20 kung kailan nakasailalim ang rehiyon sa ECQ. 

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Ayon sa kalihim, dapat ay nakapagbabakuna na tayo ng 250,000 kada araw at sa ngayon ay nakaka 230,000 na ang pamahalaan na sa tingin nya ay katanggap-tanggap naman. 

Mababatid na noong nakaraang linggo, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na malapit nang maabot ng NCR ang 40 percent ng target na mabakunahan ang 10 milyong residente para makamit ang herd immunity. 

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Kung matatandaan, batay sa datos ng gobyerno, pumalo na sa 12 milyon ang mga Pilipinong fully vaccinated na laban sa COVID-19, malayo pa sa target na 76.3 milyong mabakunahan sa bansa para makamit ang herd immunity laban sa COVID-19 sa katapusan ng taon. 

Kaugnay nito, nanawagan naman si Roque sa publiko na wag munang maghanap ng booster shots at hintayin munang magkaroon ng population protection.