Mahigit 70k pulis, fully vaccinated na vs. COVID-19

Mahigit 70,000 na ng 220,000 pwersa ng Philippine National Police (PNP) ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Sa isang statement, sinabi ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar na kabuuang 79,082 pulis o 35.66 percent ang fully vaccinated na habang 92,914 o 41.89 percent ang naghihintay ng ikalawang dose para makumpleto ang pagpapabakuna.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Ayon sa PNP chief, 49,786 personnel o 22.45 percent ang di pa nakakatanggap ng COVID-19 shots.

Samantala, naitala ng PNP ang kabuuang 106 bagong kaso ng COVID-19 sa hanay dahilan para pumalo na sa 32,464.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Nakarekober naman na ang 30,402 personnel mula sa nakamamatay na sakit.

Inanunsyo rin ni Eleazar ang pagkamatay ng isang 50 anyos na pulis na nakadestino sa Region 1 dahil sa COVID-19.